|

QUEDANCOR Primer

Ang
QUEDANCOR o Quedan and Rural Credit Guarantee Corporation ay
isang non-bank government financing institution (GFI) sa ilalim ng
pamamahala ng Kagawaran ng Pagsasaka (Department of Agriculture). Ang
Kalihim ng Kagawaran ang tumatayong ex-officio Chairman ng QUEDANCOR
Governing Board.
Bilang isang stock corporation, ito ay mayroong awtorisadong kapital na P2
bilyon. Ang Board ay binubuo ng labing-tatlong miyembro na kumakatawan sa
sektor ng agrikultura, agraryo
at pananalapi.
Ang Korporasyon ay pinamumunuan ng Pangulo at Punong Tagapamahala o
President and Chief Executive Officer.
Kailan itinatag ang
QUEDANCOR?
Ang Korporasyon ay itinatag noong ika-13 ng Abril 1993 sa bisa ng Republic
Act 7393 sa ilalim ng Administrasyon ng dating Pangulong Corazon C.
Aquino. Bago pinalawig ang corporate authority ng QUEDANCOR, ito ay
nagsimula bilang Quedan and Guarantee Fund Board sa giya ng Letter of
Instruction (LOI) 704 noong Hunyo 9, 1978.
Ano ang mandato at
layunin ng QUEDANCOR?
Ang
mandato ng QUEDANCOR ay palakasin ang daloy ng puhunan at pautang sa bansa
upang mapaunlad ang produksyon, mapataas ang bilang ng hanapbuhay at
mapagkakakitaan upang maging daan sa pag-angat ng pamumuhay ng bawat
mamamayan lalo na ang mga mahihirap na magsasaka at mangingisda sa
kanayunan.
Layunin nito na gawing moderno ang pambansang agrikultura sa pamamagitan
ng pagkakaroon ng “comprehensive financing and guarantee support system”
para sa sector ng agrikultura.
Ano
ang pangunahing tungkulin ng QUEDANCOR?
Pangunahing tungkulin ng QUEDANCOR, ayon sa Republic Act 7393, na tugunan
ang pangangailangan sa puhunan at pautang ng mga maliliit na magsasaka at
mangingisda sa bansa. Napapaloob dito ang pagtatag ng “credit delivery
system” at “guarantee facility” na magpapalawig sa inventory financing ng
mga produktong agri-aqua, pasilidad sa production at post-production,
makinarya sa pagsasaka, puhunan pang-abono at iba pang mapagkakakitaang
hanapbuhay.

Saan nagmumula ang pondo ng QUEDANCOR?
Sa nakaraang mga taon, napanatili ng QUEDANCOR ang mabuting relasyon nito
sa mga bangko at pribadong institusyon. Nakipag-isa ito sa mga kasunduang
pananalapi gaya ng rediscounting lines, sale of receivables and promissory
notes, at iba pang short and long term liabilities. Sa pamamagitan nito ay
naipadaloy ng QUEDANCOR ang pamamahagi ng puhunan at pautang sa bansa.
Anu-ano ang mga
programang pautang ng QUEDANCOR?
Ang QUEDANCOR ay mayroong tatlong (3) pangunahing programang pautang:
-
QUEDANCOR Retail Program.
Tumutugon ito sa pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda sa
pamamagitan ng Self Reliant Team Financing Model. Ang SRT ay sistema ng
pagpapautang na may mababang interes at walang kolateral. Maaaring
makautang ng hanggang P50,000 ang bawat miyembro (na hindi bababa sa 3 o
hihigit sa 15) depende sa uri ng proyekto.
Isa pang bahagi ng programa ang pagtugon sa financing requirement ng mga
small and medium agri-fishery enterprises sa buong bansa.
Nangangailangan dito ng kolateral na hindi bababa sa 80% ng halagang
uutangin. Ang halagang mauutang ay base sa kabuuang halaga ng proyekto
na hindi hihigit sa P5 milyon.
-
QUEDANCOR Wholesale Program.
Programang pautang para sa mga lending conduits tulad ng kooperatiba,
rural at cooperative banks, at SRT Agri-Fishery Business Organization (SRT-AFBO).
Ang pautang na ito ay may interes na 14% bawat taon at nangangailangan
ng kolateral na hindi bababa sa 80% ng halagang uutangin.
-
QUEDANCOR Special Lending
Program. Para sa Micro-
Entrepreneurship at Income Augmentation Livelihood. Maaaring pumasok sa
kategoryang Retail o Wholesale ang pautang sa programang ito. Ito ay may
interes base sa halaga ng proyektong itatatag o sa pinansyal na katayuan
ng mga mangungutang.
Ilan sa mga proyekto at
produktong tinutustusan ng mga programa ng QUEDANCOR ay ang mga sumusunod:
Coffee, Potato, Banana, Sweet Potato, Asparagus, Abaca, Garlic, Tobacco,
Cattle, Small Ruminants, Hog Raising, Dairy Products, Chicken, Food
Processing, Meat Processing, Food Retailing and other Agri-Based
Livelihood Projects, trading of Agri-Products, Construction/Upgrading of
Small Agri-Fishery Facilities, Honey Bee Culture, Food Retailing,
Bakery/Bakeshop, Sari-sari Store, Canteen and other Livelihood Projects.
Head Office at
Branches
Ang QUEDANCOR ay mayroong 14 na Regional Offices, 63 District Offices at
23 Extension Offices sa buong bansa.
Ang punong tanggapan ay matatagpuan sa No. 34 Panay Avenue, Quezon City.
Naitalang
Pautang
Para sa taong 2006, ang QUEDANCOR ay nakapagpautang ng P3.9 bilyon sa
sektor ng agrikultura. Mahigit 151,525 mga magsasaka, mangingisda at
maliliit na negosyante sa buong bansa ang natulungan ng ahensya.
Sa loob ng 29 taong tapat na serbisyo, ang QUEDANCOR ay nakapagtala na ng
P49.3 bilyong halaga ng pautang.
|